Sunday, November 25, 2007

Patagilid na Landas


Ako si Popoy. Mahirap lang kami. Lahat ng trabaho na makita ko, talagang gagawin ko para lang magkapera. Naranasan ko nang magmalimos kung saan-saan, Maghalungkat ng mga basura, kahit maging call boy nagawa ko na rin. Wala na kasi mga magulang ko eh. Iniwan ako at mga kapatid ko. Kasi daw, di daw nila kayang palakihin kami ng tama. Eh ano pa bang magagawa namin? Edi nagsiiyakan kaming lahat at lumaki ng walang mga magulang.
Naswertehan pa talaga ako! Ako pa ung panganay! Kaya yung mga kapatid ko, lahat sila umaasa sakin. Lahat sila pinag-aaral ko. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa eh. Pero eto si Linda, magtatapos na rin ng High School. Eh ang kaso, napaaga ung pagbubuntis. Mahal niya daw kasi si Boris. At naisipan pa nilang mag-asawa! Ayan! Wala na! Wala nanamang nag-aahon sa samin sa buhay na to. Hay buhay!
Eto naman si Toto. Diyos ko! Ano kayang mangyayari kay Toto. Alam mo, hindi ko na talaga alam kung ano pang gagawin ko sa binatang yan! Akalain mo ba naman! Di pa nga nagpapatule eh ilang beses na siyang labas pasok ng kulungan. Sobrang kati ng kamay! Pati ako ninanakawan niya! Kaya pag pumunta ka sa bahay namin, lahat ng kwarto may kandado. Hay, inaasahan ko na lang na sana makatapos siya ng elementarya. Naku! Ilang beses na rin yan umulit ng greyd six. Buti na lang at mababait ung mga titser dun. Biruin mo ba naman pitong taon pa lang si Toto nagyoysi na ung batang un! Sabagay, noong nandito pa sina mama at papa, laging naginugulpi ni papa si Toto. Lalo na kapag nag-aaway sila ni mama at lasing si papa. Minsan, hindi ko alam kung maaawa ako sa batang yan o ibibitin ko ng patiwarik. Pangarap niya daw maging artista. Katulad nung mga tao sa TV. Hinahayaan ko na lang ung lalaking un. Matanda narin naman siya eh. Kaya na niyang magdesisyon ng sarili niya.
Buti pa nga si beybi. Aming bunso, naghahanap na rin ng trabaho dahil alam niya na naghihirap na kami. Lalo na at may dadagdag pa sa pamilya namin. Hay, buti pa si beybi. Naiintindihan niya ung sitwasyon. Pero sinabi ko sa kanya na wag masyadong magpapagod sa pagtatrabaho at nag-aaral pa siya. Matalino si beybi. Top 1 sa klase niya. Sabi pa sakin ng titser niya na pagkagradweyt ni Beybi baka pwede daw mabigyan ng scholarship sa college. Siya na lang talaga ang pag-asa ng pamilya namin.
Kaya naman ako nandito ngayon kasi mag-aaply sana ako ng trabaho. Natanggap na nga ako eh. Sa ibang bansa ung trabaho ko. Pero bago yun, kailangan ko munang gawin to. Para sakin at sa trabaho ko. Lahat ng inipon ko mula sa pagkabata ko dala ko ngayon. Sinabi ko naman diba, lahat talaga gagawin ko para lang maahon ang pamilya ko sa kahirapan ng buhay dito sa Pilipinas. Kaya nung nalaman ko na may ganitong trabaho, bigla kong pinuntahan hinanda ko biodata ko at nagpa interview kaagad ako.
O, sige ako na daw ung susunod. Pagkatapos ko operahan, alam ko na mag-iiba na buhay naming magkakapatid. Pagkalabas ko dito sa ospital na to hindi na ako si popoy. Ako na si Precious! At pupunta ako ng Japan!



/* DRAFT lng to ah..sorry kung may mga mali-mali*/